College pa ako nung unang marinig ko itong bandang ito na nanalo sa Redhorse Muisiklaban. Yung debut album nila yung isa sa wishlist ko noong christmas party ng batch namin at sakto naman na eto yung binigay sa akin. Sabi ko nung narinig ko sila, may potential tong bandang to at malayo ang mararating.
Ok, move na tayo sa year 2017 at matapos ang walong albums (kung isasama sa bilang yung anniversary compilation, walo silang lahat) hindi pa kasama dito yung dalawang ep na nilabas nila eh umabot na sila na gumawa ng live album. Kakalabas lang nito nung January 7 sa spotify, deezer at apple music kaso streaming pa lamang siya. Sabi sa facebook page nila magkakaroon ng physical cd at dvd release tong album na to which is kaabang abang para sa fan na kagaya ko.
Mayroong 10 kanta itong album na ito which honestly eh nakakabitin para sa isang bandang maraming hits na nagawa na sa 15 years nila sa industriya. Pero sabi nila pag lumabas daw ang DVD, dun nila ipapaliwanag kung bakit. Pero ok na din kasi may dalawang bagong kanta na kasama.
Porta - Galing sa Tayo Na Lang Dalawa na album, eto ang panimula ng album. Dadalhin kita kahit san pa man, iipunin ko ko ang lahat ng saya. Eto yung track na patikim sa ibang pang kanta na kasama sa album.
Sakto - Eto ang isa sa pinakagusto kong live na naperform. Yung pagkakarecord dito eh sakto. Sakto yung ingay ng palo ng drums, sakto yung mga gitara at saktong sakto ag pagkuha ng timbre ng boses ni monty. Saktong kuha yung emosyon at mensahe ng kanta.
Kapag lasing ka lang malambing - Sa totoo lang ung narinig ko yung album version nito, medyo hindi ako naimpress kasi nagsasapawan yung tunog ng mga instrumento. Di ko alam kung dahil di ko nagustuhan masyado yung Pula na album o yung pagkakamix lang nung kanta. Ngayong narinig ko na ng live to, ayun lumabas din ang ganda ng kanta. Salamat sa magandang mix ng kantang to sa live album.
Hangin - Isa sa mga bagong kanta ng mayonnaise, yung tunog nya parang may halo ng impluwensya ng the used na banda. Kung anong ingay ng intro, bigla tong mawawala sabay pasok ng unang verse ng kanta at maririnig mo yung mensahe ng kanta. Naalala ko dito yung mga unang kanta ng mayo, circa tersera sigurado pasok tong kantang to. Aabangan ko yung studio version nito kung maglalabas sila.
Eddie song - Galing sa unang album. Isa pasa malinis ang pagkakarecord ng live. rinig mo yung malulutong na tipa t lead ng mga gitara. Yun lang, naiisip mo pa ba.
Kung di rin ikaw - Eto pa yung isang bagong tagalog na kanta mula sa kanila. May video na inilabas sa youtube tong kantang to at isa ito ulit na pwedeng ipasok sa tersera at tayo na alng dalawa na circa album. Yung sagutan ng mga gitara sa solo part ng kanta ang isa sa highlight ng kantang to.
Bakit, Pt.1 - Galing sa unang album nila. Nagtataka din ako dito dati bakit may part 1 at part eh di naman sila directly na pareho o di kaya bakit di nalang pinagsunod. Pero nung narinig ko yung isang version ng bakit, pt.2 eh naliwanagan na ako, yung chorus pala nya eh pasok sa isang parte ng bakit, pt.2. Eto yung sinasabi ko sa bandang 3:45 ng video.
Paraan - Eto, eto yung narinig ko na raw version before pa ilabas yung sa Tayo Na Lang Dalawa na version. Mas Pero sa pagkakataong ito kasama nya si Sharlene San Pedro (oo yung nasa going bulilit na bata na nanalo sa Star Circle Quest Kids kasama si Nash Aguas. Felling old yet?) More of si sharlene na ang kumanta ng buong track sa live version and of course lessen yung mga mura.
Bakit, Pt.2 - Eto na. Ang kantang sinubukan ko nang i-cover kasama ang banda ko way before at isa sa tumatak na emo track galing sa first album. Kahit matagal nang kanta to, walang kupas. Medyo mabagal na version yung ginamit nila sa live which is mas ok kasi mas feel mong tatagos sayo yung mensahe ng kanta. Tapos yung blending ng boses nila ni maan furio sa bandang "bakit pinilit kung ayaw kong masaktan" ang highlight ng track na to. Eto na rin yung second to the last song sa album na to so medyo, steady at chill muna. Dito na din pala pinakilala ni Monty ang banda.
Tayo Na Lang Dalawa - At sa pagtatapos ng album, sakto pangsara ng live album. Tayo/Tae/Tay Oh nalang talaga o kung ano man yung pagkakaintindi nyo sa lyrics, yun na yun.
Maganda yung pagkakamix sa ilang mga tracks ng live album. Ang tanging reklamo ko lang eh bitin. Bitin kasi sa dami ng magagandang kanta ng bandang ito eh di sapat ang 10 tracks to cover kung ano man ang narating na nila.
Bigyan ko to ng 4/5 na rating.
Yun lang ang konting reklamo ko siguro is kasi nakakabitin. Nawawala si Jopay, si Torres, Kathryn at iba pang magagandang mga kanta nila. Pero yun nga, sulit na uilit-ulitin yung mga kanta. Pwedeng stop over at balik tanaw sa banda habang nag-aantay ng bagong album mula sa kanila.