At dahil OPM entry to, para maiba naman magtatagalog na ako. Magandang taon para OPM ngayong 2017. Andaming mga bagong local artists ang nagsulputan, mga indie, mga kilala na at mga kikilalanin pa. Eto ang aking listahan para sa local music ngayong 2017.
Kathang Isip ng Ben & Ben
Eto yung kantang alam mong masakit sa puso ang mensahe, tatagos at pwede mong mairelate sa buhay mo. Mula sa mga linyang
"kung minsan sya'y para sa iyo
pero minsan sya'y paasa"
hanggang sa
"Ako'y gigising na mula sa panaginip kong ito
at sa wakas ay kusang lalayo sa iyo"
Laro ng Autotelic
Naalala nyo ba nung sinabi ko nung isang taon na eto yung hidden gem ng album at isa sa mga posibleng maging single? Sakto ang nasabi ko last year. Pag napanood nyo yung music video nito eh subukan nyong namnamin ang lyrics at yung video.
Pandemonium ng Tanya Markova
At eto pa ang isang kanta na hanggang ngayong 2017 eh pinapatugtog ko parin kasi maganda talaga. Nasa post ko nung isang taon yung rason bakit ko gusto tong kantang ito.
Ilaw sa daan ng IV of Spades
Gusto mo ba ng disco? Gusto mo ba ng mala VST and Company na pormahan at bagsakan? Mahilig ka ba sa groovy basslines at swabeng guitar leads? kung ganon, etong grupo na to ang swak sayo. Ikaw ba naman ang may dalawang miyembro na nanalo sa music hero contest ng eat bulaga eh sapat na. Dagdagan mo ba ng bokalistang swabe ang boses at drummer na mapapaindak ka sa bagsakan at yan ang IV of spades. Pakinggan nyo nalang at nang malaman kung gaano kalupet tong bandang to.
Siberia ng Ang Bandang Shirley
Bakit siberia ang title? intindihin maigi ang lyrics. Isa sa inaabangan kong release ng bandang ito, di nila ako binigo sa pagaantay. Sulit ang buong album kaya bili na kayo ng album nilang pinamagatang Favorite at sigurado akong magiging favorite nyo rin yun.
New Jersey ng Stereodeal
Matagal nang nailabas ang album nila pero nasa usb parin sa kotse namin. Bakit kamo? kasi isa pa itong album na ito na walang tapon. Last year inilabas nila ang music video para kantang ito na may baong mix at mas lalo kong nagustuhan to. Can't wait sa new materials na ilalabas nila. At oo sana may kasunod pang album to.
Walang Maramdaman ng Pedicab
At sila ay nagbabalik noong 2017 bitbit ang bagong album nila. Kaso yun lang nilabas lang sya sa vinyl at walang physical cd copy. Masarap ang bagsakan ng Remuda Triangle. Etong kantang tong ang bubungad sa tenga mo sa pagsisimula ng album at pag nagustuhan mo ti, siguradong magugustuhan mo yung buong album. Pedicab, please maglabas kayo ng physical cd copy para sa mga katulad kong gusto ng hard copy ng album.
Your Moon ng Loop
Isa sa mga banda na nasa labas ng manila, sa iligan to be exact. Malamig ang boses ni Kim tapos yung tugtugang dreamy, ay kay sarap sa tenga. Kuha na kayo ng album nila, ako hindi pa pero kukuha ako.
Signs ng Honeydrop
Eto pa ang isang banda nasa labas ng maynila. Mula sa Cebu ang grupong ito at kung natripan mo yung nirekomenda kong Loop, sigurado magugustuhan mo din to.
Bleed ng Franco
Cover ni Franco na kanta ni Reese Lansangan. Pasintabi kay Reese pero etong version na ito ng Bleed eh kung di mo alam na cover song eh aakalain mong original ni Franco. Sa bagsakan palang at boses, alam na alam mong si Franco na ito. At protip pala, yung video hanapin nyo tapos i set nyo yung speed sa 1.25 para mafeel mo talaga yung franco vibe.
Manila ng Rivermaya
Matapos ng sangkatutak na lineup changes, sana magstay na sila ng ganito. Medyo mahirap nang mabuo ang original lineup pero umaasa parin ako na sana balang araw, makita ko ulit ang rivermaya na nakilala ko. Pero sa ngayon, eto na siguro ang isa sa solid lineup nila after ng rico blanco leaving aftermath. Galing ng pagbalik ni Nathan bitbit ang tugtugan ng Hijo. Naghahanap parin ako ng physical copy ng album nila para makabili.
Sunshine ng MilesExperience
At bago matapos ang taon, nilabas na nila ang second album nila mas upbeat kumpara sa unang album. Trippy rin ang music video nila. Parang pag napakinggan mo to, maganda na ang gising mo kahit na puyat ka nung kinagabihan. Bili na kayo ng Somberhaul, sulit saka maganda ang cover.
Fools ng The Ransom Collective
Sa totoo lang nung unang narinig ko yung pangalan ng banda akal ko tipong mala slapshock ang bagsakan o chicosci. Pero nagkamali ako. Yung tipong magandang pagkakamali at nadiskubre ko ang tugtugan nila. Anlamig sa tenga, swabe at bagay na bagay habang nagmamaneho sa gabi. May potensyal tong grupo na to.
Crumble ng Cheats
Napanood ko yung live video ng kantang to at naglevel up sila. 3 bokalista nag naghaharmonize ng iba't ibang vocal ranges pero nagtutugma. Swabe. Looking forward din ako sa mga laman ng second album nila.
Happier this way ng Save Me Hollywood
Paramore! yan ang mentality nila lagi na pag babae ang bokalista ng banda. Sa isang banda, may mga times na kaboses nya si haley williams pero iba parin ang bagsakan nila. At oo, tinugtog namin ito ng mga kabanda ko na aking ikukwento sa ibang blog entry ko. Kuha na kayo ng albums nila habang may physical copies pa.
Gabi man, May araw din ni Ely Buendia
Parang si ely buendia. Oo si ely nga ito. Sa mga nagaantay ng posibleng reunion ng eraserheads (oo isa ako sa mga yun) eh dito muna tayo makinig. Meron parin naman syang apartel at oktaves. Isang ballad na kanta na siguradong magugustuhan mo, kasi sa totoo lang ely buendia to eh, pag di mo nagustuhan to, ewan ko nalang.
Cool Down ni James Reid
At para isara yung mixtape ko ngayon 2017 eh isa ulit unexpected na kanta. Oo si James Reid, yung sumali sa PBB, yung nagpalaki ng katawan, yung ka-loveteam ni Nadine sa on the wings of love na crush din ng bestfriend ni nadine na lalake. Yung James Reid na yun.
Suprisingly, eto yung sleeper hit ng 2017. Di ko inaasahan na magugustuhan ko to kasi pag sinabi mong teen idol eh iisipin mo yung mga mala tipong kanta na maririnig mo sa kuing saan saan. Eto ang produkto ng isang artist na hayaan mo ang kanyang creative freedom sa paggawa ng kanta. Balita ko self funded tong album na to at walang creative control kaya ayan ang resulta.
Bonus Round:
At dahil wala pa sa spotify ang album ni Dong Abay na Humanidad, eto yung isang kanta na nasa album nila kasama ang D.A.M.O. Sulit ang indie release nya kaya kung ako sa inyo, kuha na rin kayo.
Dong Abay Music Organization - Positibo